[ABC of mango flowering]
2000
Bondad, N.D. (Philippines Univ. Los Banos, College, Laguna (Philippines). Dept. of Horticulture)
Binubuo ng 11 bahagi ang pagpapabulaklak ng mangga: 1) pagpapabulaklak, 2) pag-aalaga ng bulaklak, 3) pag-uusisa ng bulaklak, 4) pag-aalaga ng bunga, 5) pag-uusisa ng bunga, 6) pagbabalot, 7) pagpapain, 8) pagdidilig, 9) pag-aabono, 10) pagpitas, at 11) pagkapitas. May kani-kanyang hakbang ang bawat bahagi. Inilalaan sa pagpapabulaklak ang unang araw. Ang petsang ito ang basehan ng lahat ng sumusunod na hakbang. May 120 araw ang isang panahon ng pagpapabunga simula pagpapabulaklak hanggang pagpitas basta nasa kapatagan ang manggahan. Mas mahaba ang pagpapabunga sa matataas na lugar. Hindi kasama sa 120 dias ang dalawang beses na pag-aabono na ginagawa ilang araw pagkapitas at 4 na buwan bago muling magpabunga. Ipinaliwanag ang mga detalye ng dapat gawin sa bawat hakbang kasama ng materyales at metodo. Para sa mga punong katamtaman ang laki ng mga ibinigay na halimbawa. Babawasan o tataasan ang dami ng mga materyales at tagal ng trabaho sa pagliit o pag-laki ng puno. Sa huli ay may buod ng mga araw, petsa, at kaakibat na gawain para sa isang buong operasyon
اظهر المزيد [+] اقل [-]الكلمات المفتاحية الخاصة بالمكنز الزراعي (أجروفوك)
المعلومات البيبليوغرافية
تم تزويد هذا السجل من قبل University Library, University of the Philippines at Los Baños