Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo sa Larang ng Agrikultura
2022
Dominguez, Divinia K.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa proseso ng pagkatuto, nakasalalay dito ang lubusang pag-unawa sa mga paksang tinatalakay. Nilalayon ng pag-aaral na alamin ang gamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sa larang ng agrikultura. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong basic qualitative at discourse analysis. Ang discourse analysis ay nagamit upang masuri ang paggamit ng wikang Filipino sa talakayan sa klase. Sa pagsusuri sa pahayag ng mga guro, lumabas na ang wikang Filipino ay ginagamit bilang estratehiyang pangkomunikasyon, wikang pantulong at panlinaw sa mga katawagang teknikal. Ang persepsyon naman ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino ay lumabas ang mga tema na madaling maintindihan ang paksa, madaling ipahayag ang ideya, mas masigla ang interaksyon at mas malalim ang mga ideyang ibinabahagi. Ayon naman sa mga mag-aaral ay mas madaling maintindihan ang mga katawagang teknikal, malayang naipapahayag at naibabahagi ang mga ideya at mas madaling naipapaliwanag ng mga guro ang paksa. Sa kabuuan, naipakita sa pag-aaral na nagagamit ang wikang Filipino sa mga talakayan sa agrikultura; may pagkakahawig ang persepsyon ng guro at mag-aaral; at kapwa sila naniniwala na nakatutulong ang wikang Filipino sa kanilang talakayan. Iminumungkahi ang pagpapatuloy sa paggamit ng wikang Filipino sa mga talakayan at magkaroon ng sariling pagsasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng wika upang mas mabisa at mahusay ang paggamit nito sa talakayan.(Language plays an important role in the learning process, the thorough understanding of the topic discussed depends on the language. This paper aims to know the use of Filipino language in teaching agriculture subjects. Basic qualitative design and discourse analysis was used in the study. Based on the responses, the following themes were derived; Filipino language is used to expand the discussion and is used to clarify technical terms. The perception of teachers on the use of Filipino language brought out the following themes; the students easily understand the topic, they can easily share their ideas, active interaction, and students can share deep thoughts about the topic. While students believed that using the Filipino language makes them easily understand technical terms, they are free to express and share their ideas and they believed that it is easy for the teachers to explain the topic. The study shows that Filipino language is used in discussions in agriculture subjects; there is a similarity with regards to the perception of the teachers and students, and both agree that Filipino language helps in their discussions. It is recommended that the use of Filipino language in discussion be continued, and students may have self-training in using the language for effective and better use of this in and during discussions.)
Show more [+] Less [-]Bibliographic information
This bibliographic record has been provided by Benguet State University